Gunita

Circle (27).JPG

Naupo. Isinandal ko ang ulo ko sa katawan ng punong mangga.
Sakto.
Sakto lang ang lugar na ito upang magpahinga.
Ibinaon ko ang earphones sa aking magkabilang tenga.
Hinanap ko ang paborito nating kanta.
Pinindot ko ang ‘play’ button at saka tumugtog na
ang melodiya na kaytagal ko nang hindi narinig.
Inilakas ko pa ito.
Mas malakas pa na tila ba’y nagpapatianod kasabay ng
preskong hanging dumadampi sa aking mukha.
Kasabay ng malakas na musikang inuulit ang mga letrang
ikinikwento ang istorya nating dalawa,
Ay ang pagragasa ng mga alaalang pilit na bumabalik sa akin.

Sabi ko, sakto. Sakto lang ang lugar na napili ko para magpahinga.
Ngunit iba pala ito sa aking inakala.
Sa halip na makapagpahinga’y tila ba mas napagod lang ako
Napagod sa pagtakbo mula sa mga alaalang hinahabol ako.
Napagod lumayo sa mga nakaraang pilit na binubura sa memorya.
Napagod. Napagod na ako’t walang nagawa kundi magpatianod na lamang]
sa agos ng gunita sa mga nakalipas.

Penned:  ‎February ‎10, ‎2016. ‏‎10:24:37 AM

Advertisements

Sa£o, Duwa, Tu£o… £ukso!

I’ have always been proud of my roots and identity. I’ve always looked up to where I came from — its name and everything about it.

I consider our province, Catanduanes, as one of the most unique places in the country. Some people would always ask about it, “Catanduanes? Sain an? Alin an?” And before I could answer, they would finish the statement with “Ah, yung islang baragyuhon? (the island often visited by typhoons?For us Catandunganons, it isn’t a surprise at all to hear people say that. The island has always been on the news for years tagged as a place frequently visited by offensive typhoons, thus it was dubbed as “The Land of the Howling Winds.” Continue reading “Sa£o, Duwa, Tu£o… £ukso!”

Panyo

Dala-dala kita sa pagbaba ko.
Maging sa muling pagpanaog ay naroon ka’t hawak ko.
Ngunit bago pa man magtakipsilim,
Ikaw na hawak ko’y nabitawan ko na pala
Huli na nang aking mapagtanto, ‘di na pala tayo magkasama
Nalilito ako sa posibilidad na binitawan ba kita o ako’y iniwan mo na?
Nasaan ka na?
Hindi ko maatim na mangulila
Kaya’t ika’y aking hinanap
Nagpasya akong balikan
ang daang ating dating magkasamang tinahak
Noong magkahawak pa tayo at nagsumpaang ‘Walang bibitaw.’
hinalughog ko lahat. Bawat sulok, bawat singit, bawat liko, bawat kanto.
Ngunit wala.
Wala ka.
Ang sakit pala.
Ang sakit sakit pala mawalan.
Ngayong wala ka na,
Susubukan kong maglakad nang muli.
Mag-isa mang bababa at papanaog,
kakayanin ko.
May dahilan naman siguro ang pagkawalay nating dalawa.

Nang mawala ang panyong hawak-hawak, 2015.