Sige lang. Sulat lang.

*hinugot mula sa kwadernong ‘tapunan ng feelings’*

Dahil sa bugso ng damdamin, dinukot ko sa loob ng aking bag ang bolpen sabay hila sa kwadernong amoy-bookstore pa rin. Matapos kasing maligaw ulit sa Facebook account ng isang mahusay na writer, nangating muli ang mga kamay kong magsulat. Ganoon talaga siguro ang epekto sa akin ng mga mahuhusay bumuo ng katha. Tila ba mag-aalab ang aking damdamin ata magsisimula nang magpumiglas ang mga salitang matagal nang inimbak sa aking isip.

Ang galing nga ‘e. Doon ko napagtantong hindi lang pala pag-ibig sa isang tao ang maghahatid sa akin ng inspirasyon para magsulat. Sapat na palang makabasa ako ng mga tagos-kaluluwang akda upang ipagtulakan ang sariling humawak ulit ng bolpen at magsimulang muli sa pag-ubos ng tinta nito.

Ang galing lang talaga kasi. Nag-uumapaw ang paghanga ko sa mga manunulat na maituturing kong “astig” pagdating sa paglalaro ng mga salita. Nakakainggit.

Oo, nakararamdam ako ng inggit. At nagdarasal ako na sana’y maabot ko ang kahit man lang sa kalingkingan ng galing nila sa larangan ng pagsusulat. Totoo. Iba ang dating sa akin ng mga taong maaangas magtagpi-tagpi ng hugot sa kanilang mga akda. ‘Yung mga akdang may sipa, may tadyak, may anghang, may yabang at laging bull’s eye kung magpatama. ‘Yung sapul. ‘Yung sakto.

Para sa akin, kaya ko naman iyon. Alam ko iyan. Alam ko kasi kung ano ang gusto kong nababasa kaya nadadala ko ang istilong ganoon sa sarili kong pagsusulat.

Pero malayo pa. Malayo-layo pa.

Marami na dapat akong naisulat pero hinihila ako ng katamaran at pag-aalinlangan. Iniisip ko nga, kung hindi siguro ako tumigil, kung inaraw-araw kung sakali, baka malapit na ako doon sa kalingkingan na gusto kong mapuntahan. Pero naniniwala naman akong hindi pa huli ang lahat lalo na ngayong bumabalik na naman ang pangangati ng mga palad kong magsulat araw-araw. At sa dami ba naman ng inspirasyon dagdagan pa ng konsumisyon na nababasa, naririnig at nakikita ko araw-araw? Mas matututo at makakaipon ako ng mga salitang pupuno sa mga susunod kong isusulat.

Praktis pa. Praktis lang. Sulat pa. Sulat lang.

Sabi nga nila, marami pang kakaining bigas. Tama naman.

Kailangan ko lang din siguro ng malakas lakas ng tulak, ‘yung sasapat na motibasyon na naniniwala akong dapat ay nagsisimula mismo sa aking sarili. Ang saya sigurong makitang mapuno ‘yung kwaderno kong “tapunan ng feelings’ at balik-balikan ang mga araw ng pait, saya, lungkot, inis, galit at kabaliwang sinulat ko rito.

Magiging mahusay din ito. Itaga niyo ‘yan sa pinakamalaking batong makikita niyo.

Aabot ako sa kalingkingan nila.

O pwede ko ring lampasan.

Ensayo lang at bawas ng insecurities sa iba at pati na rin sa sarili. Kaya ko ito. Sulat lang. Hindi naman ako mauubusan ng pambili ng bolpen o pang-load para may cellular data ang cellphone ko. Lagi akong maghahanda ng reserba.

Love and lights,

Abby❤

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s