FLIPTOP: Ang Maangas na Balagtasan

FlipTop (1)

Suot ang shorts na animo’y pantalon na sa haba at t-shirt na halos doble pa ang laki sa patpating mga katawan, tumulak na ang magkabilang grupo para sa isang maingay na namang sagupaan sa Calle Otso. Nakahanda ang bawat makata, walang sumuong sa laban na walang bitbit na sariling katha na siyang ibabala sa kanilang tanging armas na bunganga.

Nasa kanto na ang lahat. Magsisimula nanaman ang isang maingay na sagutan. Mahigpit na ipinagbabawal sa mga magtutunggali ang maiksing pasensya. Ang pikon, talo.

Simple lang naman ang requirements upang makasali sa laban: utak na mabilis mag-isip, dilang matatas sa salita at syempre pa, angas. Dapat may bitbit ka ding ekstrang memorya na expandable hanggang 1000 terrabyte pati na rin ekstrang mga barkada na handang sumalo sayo sa oras na ma-waley ka at di agad maka-pick up sa mga bira ng kalaban.

Ipinakilala na ang magkabilang kampo at binato na sa ere ang piso na siyang magdidikta kung sino ang unang hihirit at babanat. Simula na ng maatikabong dwelo. Ayan na nga’t nagsimula na ang batuhan ng mga letra’t salita.

“Yow! Hey narito nanaman ako, muling nagbabalik sa Calle Otso.
Ano ba naman ito, nasa harapan ko na pala ang kalaban kong talunan
mula sa koponan ng mga mahihina at walang pinag aralan!
Kung ako sayo, magbalot balot na kayo kasi siguradong uuwi kayong patakbo
At luhaan pa sa mga nanay nyo.
Yeah! Calle Maangas represent!”

Boom. Angas nga, men!

3
Photo Credits: Guhit Visual Arts Group
Photo Credits: Guhit Visual Arts Group
Photo Credits: Guhit Visual Arts Group

Ito nga ang Fliptop, ang tinuturing na moderno at makabagong anyo ng balagtasan. Sabi ng iba ito daw ay Debate-Balagtasan-Rap all wrapped into one. Kung panatiko ka ng YouTube, malamang sa alamang ay kilala mo sina Loonie, Zaito, Bassilyo, Smugglaz, Dello at lalong lalo na ang gwapong gwapong crush kong si Abra. Pamilyar ba sila? Iilan lamang sila sa mga may matutunog na pangalan sa industriya ng Fliptop-pan.

abra
Photo credits: philstar.com

Kaiba sa pormal na balagtasan noon na may konkretong paksang kailangang pagtalunan, ang Fliptop ay maaring freestyle lamang. Hindi kinakailangang seryoso bagama’t kailangan pa ding nasa tama ang punto mo kapag ikaw na ang babanat. Madalas mangibabaw sa Fliptop battles ang “pagpapataasan ng ihi” o payabangan lamang ng mga nagtatapatan. Kaya kung may plano kang sumabak sa giyerang ito, i-assume mo nang gwapo ka at sagarin mo na rin sa maximum level ang confidence mo dahil panigurado, nag-ipon ng sandakot nito ang kalaban mo. Palakasan nga kasi ng loob.

Hinding-hindi mawawala ang mga trashtalk sa bawat harapan. Madalas nauuwi ito sa mga pisikal na parinigan at batuhan ng mga panlalait lalo na sa pisikal na itsura ng katunggali. Asahan na din lagi diyan ang insultuhan ng magkabilang panig lalo na sa katayuan sa lipunan. Sa ibang Fliptop battle nga, nahahalungkat minsan ang “social class” o panlipunang uri na pinagmulan ng kalahok. Walang batas sa Fliptop. Kaya ang siste ay kung ano ang ibinato sayo, matutunan mo dapat saluhin at ibato pabalik pero dapat siguraduhin mong sa pagkakataong ito, mas higitan mo ang tirada mo. Gaya nga ng sabi ko kanina, ang pikon, talo.

Photo Credits: coolpilipinas.tumblr.com
Photo Credits: coolpilipinas.tumblr.com

Sa kabilang banda, hindi lang naman puro asaran at patutsadahan ang meron sa Fliptop. Sa katunayan, may mga Fliptop na maayos, matino, matuwid at may layunin bagamat hindi na talaga natin maiaalis ang yabang sa bawat titik na pinakakawalan ng bawat kalahok. Nakakatuwang isipin na napagdedebatehan ng mas maalim at mas malawak ang mga isyung panlipunan. Isa ito sa magandang paraan kung saan nakikilahok ang mga kabataan habang nailalabas nila ang kanilang mga hinaing at opinyon ukol sa mga pambansang isyu gamit ang panitikan.

Tunay ngang yumabong na ang pagkamalikhain at pagiging makata ng lipunan. Ang Fliptop ay maituturing arte na rin ng makabagong sining pampanitikan. Malaki ang magagawa ng Fliptop para mas mabuhay ang diwang makabayan ng sa ating lipunan. Sa paraang ito, mas malaya nilang napapatakas ang kanilang mga tinig at katha. Malaki ang magagawa nito upang masupil ang mga baluktot na sistema ng gobyerno natin. Marahil nga ito ay hindi pa gaanong napapansin ngunit kung ito naman ay mapapayabong at magagamit sa tama at di lamang puro pahanginan pati na laitan, maaaring may magbago.

12/11/13

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s